Ni OMAR KHALID
(Papel nga gipaambit atol sa “Pambansang Kumperensiya sa Wika at Panitikang Sebwano” nga gipahigayon didto sa Gansenwinkel Hall sa University of San Carlos niadtong Abril 25-27, 2016 diin gipasidan-an ang mga mamumulong sa paggamit sa pinulongang Filipino bisan anaa ang komperensiya sa kinapusoran sa Sugbo.)
[Paksa: Ang Panitikang Sebuwano At Ang Pagbuo Ng
Panitikang Pambansa]
I. Panimula:
DALAWA ang susing salita ng paksang tatalakayin ko: una, ang
Panitikang Sugboanon at ang Panitikang Pambansa. Madaling tukuyin kung ano ang Panitikang
Sugboanon lalo na sa isang tulad ko na matagal nang nagsanay sumulat at sumalat
ng mga talinghaga sa sariling wika; o kaya’y magbasa ng kung ano-anong akda na
nailimbag sa wika kong kinagisnan. Ang Panitikang Sugboanon, sa kabuuan, ay ang
kolektibong panitikan na naglalarawan ng karanasan, ambisyon, at imahinasyon ng
mga Sugboanon sa iba’t ibang panahon o yugto ng kasaysayan. Kung susuriin, gaya
ng ibang mga kultura sa Pilipinas, napakahaba na ng tradisyon ng Panitikang
Sugboanon sa sinubok ng iba’t ibang salik. Naikintal ang karanasang ito sa mga
dula, kwento, sanaysay, tula, awit at maging sa mga sinaunang anyo ng panitikan
gaya ng tigmo, berso-berso, garay, at iba pa. Sa madaling salita, mayaman ang
baul ng kasaysayang pampanitikan ng liping Sugboanon.
Samu’t sari ang anyo nito, tema,
powetika at politika, estilo o estruktura na kung pag-uusapan natin lahat ay
baka kakapusin tayo ng panahon at espayo at baka maabutan tayo ng Ikalawang Pagbabalik
ni Kristo.
Ngunit itong Panitikang Pambansa,
malabo ito sa huwisyo ko at siguro hindi ko ito masyadong naintindihan. Ang mga
salitang “bansa” at “pambansa” ay napakapulitikal na usapin. At kung bakit ang
panitikan ay kailangan pang lagyan ng tatak, para ihanay sa kungsaan dapat
ihanay, hindi ko rin maintindihan.
Sa totoo lang, hindi ko ito
masyadong pinag-ukulan ng panahon para pag-isipan dahil nagsusulat naman ako
para sa kababayang Sugboanon. Wala akong matayog na kaalaman para talakayin ang
bagay na ito. Hindi ko na inambisyon iyon. Pero bilang isang manunulat,
napagtanto ko na ang pagpili rin pala ng wikang gagamitin sa pagsusulat ay
isang uri ng political statement. May
dahilan kung bakit karamihan sa mga Sugboanon ay napaka-faithful sa wikang kanilang kinagisnan. Isa na ako rito.
Paminsan-minsan, sumusulat din ako ng Tagalog at Ingles dahil kagaya ng iba,
produkto rin ako ng sistema ng ating edukasyon kungsaan karamihan nito ay halaw
sa kanluraning mga ideya. Pero mas tumatayo ang balahibo ko kung sa sariling
wika ako kumatha, nanginginig ako, tumitibok ang puso ko, mas dama ko ang “gihigugma
ko ikaw” kaysa “i love you”. Dahil
alam ko, sa bawat salita na ileletra ko, nakikipagkonek ako sa aking mga ninuno
na siyang unang gumamit ng wikang ito. Napakasarap bigkasin at sulatin ng
wikang kinagisnan dahil alam mong pinagtagni-tagni nito ang mga henerasyon ng
iyong tribu. Para sa akin, ang wikang Binisayang Sinugboanon ang last frontier ng tribung kinabibilangan
ko. At least, totoo ako dito.
Ano ba talaga ang ibig sabihin ng
Panitikang Pambasa? At bakit kailangan itong bubuuin?
Imbes na kasagutan ang aking
matuklasan, mas dumarami ang natuklasan kong katanungan. Una, sa anong wika ba
susulatin at babasahin natin ang Panitikang Pambansa? Pangawala, ano ba ang katangian
ng isang panitikan upang ligtas nating sabihin na ito’y tumatalakay sa
pambansang ideyalismo at mga adhikain? At sinong mga impakto, diwata o anito
ang may responsabilidad na sulatin ito? Sa kabilang dako naman, kung babansagan
kang rehiyunal na manunulat o akdang pangrehiyunal lang ang binabasa mo, mas
baduy ka ba o mas maliit ka kumpara sa mga nagsusulat at nagbabasa ng
“pambansang panitikan”? Mas mahina ka bang klaseng manunulat kung hindi ka
nagsusulat ng mga ideyang pambansa, kung mayroon mang ganitong powetika? Ano ba
ang pinakasentral na pundasyon para mabuo natin itong pinapangarap na “panitikang
pambansa” na wala namang nasasagasaan na maliliit na kultura kungsaan isa sana sa
nagpatingkad ng pagkakalinlanlan ng ating bansa? Hindi ba’t kapag sinasabi kasi
nating “pambansa”, ito’y di hamak na nagma-marginalize
naman ng ibang panitikan na nalilinang sa kadulu-duluhan ng Pilipinas gaano man
ito kaganda o katangi-tangi?
Hindi ko
mahanap ang kasagutan ng mga tanong na iyon. Siguro, may mga bagay lang na
mahirap intindihin at hindi kayang tugunan ng sining pampanitikan. Hindi kayang
baguhin ng sining o panitikan ang lahat ng bagay. Maaaring makapagmungkahi ang
panitikan sa mga isyung pulitikal, pero hanggang doon lang iyon. Nagdadaldal
lang ang panitikan, nag-iingay, nangangatok sa pusong tigang. Sa ibang
pagkasabi, maaring makapagbigay ng opsiyon ang panitikan sa ating mga desisyon
bilang isang bansa na binubuo ng maraming etno-lingguwestikong pangkat. Kapag pinagsanib
natin ang pulitika at sining, diyan tayo magkakaproblema, dude.
Kung ano ang totoo sa Kailukuhan,
maaring hindi ito totoo sa Kabisayaan. Kung ano ang likas na katangian ng mga
katutubo sa hilagang bahagi ng Pilipinas, maaaring iba naman o taliwas ang
katangian ng mga katutubo sa Mindanao. Kung gumagamit ng “po” at “opo” ang mga
Tagalog bilang tanda ng paggalang, hindi naman ibig sabihin na hindi magalang
ang mga Waray at Ilonggo. Noong nagsusulat ako ng kwentong Tagalog, pinatawag
ako ng editor dahil masagwa raw ang karakter kong si “Titi Tanting”. Papalitan
ko raw ng “Kuya Tanting”. Pangit daw sa pandinig. Ewan.
Sa ibang pagkawika, wala tayong permanenteng
lipunan na siyang batayan kung ano ang dapat at ideyal sa pagbuo ng isang pambansang
panitikan. Pero may mga bagay na pareho-pareho ang bawat pangkat-ekniko. Mas
madali sigurong pag-uusapan ang mga bagay na pare-pareho tayo. Tutal, universal naman ang panitikan. Napakalawak
ng range ng manunulat at lalabas at
lalabas siya sa kahon na pagsisidlan natin sa kanya.
Siguro, masyadong ideyal naman kung
sasabihin kong ang panitikan ay dapat hindi lang pang-Cebu, pang-Pilipinas, o
pang-Asya. Tall order masyado iyon,
di ba? Kasi kung sasabihin natin na “pambansang panitikan”, nagtitirik naman
tayo ng isang makapal na cultural divide
sa Pilipinas patungo sa pananaw ng mundo. Mas maganda kung ituring natin ang
panitikan bilang dokumento ng ating kolektibong imahinasyon bilang isang hiwalay
na kultura na nais makipagkonek sa mundo.
Ako bilang isang manunulat, kapag
sumusulat ako, hindi ako nagsusulat bilang isang Pilipino dahil wala naman
akong masyadong naintindihan sa political
construct na ito. Nagsusulat ako bilang isang Sugboanon at hanggang doon
lang ako. Masyadong malawak para sa akin ang “pambansang panitikan”. Nakakalula,
nakakalunod. Hindi ko gamay iyan. Dito ako sa maliit kong mundo na mas kabisado
ko ang kulay ng bulaklak. Dito ako magsimula sa aking hardin. Ayoko sa malawak
na gubat. Mula sa aking hardin, hihintayin ko ang araw tuwing umaga,
pakikinggan ang kuligkig, makipagkwentuhan sa dumadaang naglalako ng taho at
bagoong. Dito sa hardin kungsaan mas kumportable ako.
Ang kasunod kong tinitingnan, kung ano
naman ang karanasang pampanitikan ng mga Ilonggo, mga Tagalog, mga Ilokano,
Waray, Aklanon, at iba pa, na mababasa sa kanilang panitikan at sinusuri ko
sila sa pamamagitan ng mata ng isang Sugboanon.
Maselang usapin ang ideyang “pambansa”.
Pulitikal na usapin ito. Madalas, may kanya-kanya tayong opinyon hinggil dito.
Produkto ang ating bansa ng kolonisasyon at kahit wala na ang mga mananakop, nananalaytay
pa rin sa hibla ng ating panglipunang moralidad ang epekto nito. Ganito ang
pagkasabi ng librong “The Post-Colonial Studies Reader” (Ashcroft, Griffiths, Tiffin,
2006):
All
post-colonial societies are still subject in one way or another to overt or
subtle forms of neo-colonial domination, and independence has not solved this
problem. The development of new élites within independent societies, often
buttressed by neo-colonial institutions; the development of internal divisions
based on racial, linguistic or religious discriminations; the continuing
unequal treatment of indigenous peoples in settler/invader societies— all these
testify to the fact that post-colonialism is a continuing process of resistance
and reconstruction. This does not imply that post-colonial practices are
seamless and homogeneous but indicates the impossibility of dealing with any
part of the colonial process without considering its antecedents and
consequences.
Kaya dahil dito, naisipan kung idaan
sa metapora ang balangkas ng aking papel kungsaan mas kumportable ako. Sa
ganitong uri ng diskurso tayo mag-uusap at mangangarap.
Sa mga Bisdak, may tinatawag tayong
tagay. Ito’y isang napakagandang tradisyon na namana mula noon pa. Kapag
aalukin kita ng tagay, papainumin kita ng alak, ako ang taya. Sa iisang baso
tayo tutungga, lasingan, sagaran, hanggang mag-iiba ang kulay ng gabi, maghugis
saranggola ang buwan. Magpapalitan tayo ng laway, kumbaga. Ang ibig sabihin
nito, ituturing kitang kaibigan kung kakayanin mo. Kapag nandiri ka sa akin, siyempre
hindi ka iinom. Sa madaling salita, hindi tayo pwedeng maging kaibigan kasi
pinandirian mo ako. Ganoon tayong mga Bisdak. Kapag nakipagkaibigan, sagad
hanggang buto.
Oo, sa ganoong metapora ko ilalatag
ang papel na ito. Magsasalita ako bilang makata at kwentista dahil dito ako mas
epektibo. Sa madaling sabi, sa lente ng sining at sa punto de bista ng pulitika
ng isang ordinaryong tao. At sana’y maunawaan ninyo ako.
II. Ang Tradisyon Sa Tagay Ni Noy Tiago
TAGA Ban-aw ako— isang maliit na nayon na matatagpuan sa
tuktok ng isang bundok ng bayan ng Tabango, Leyte. Walang pakialam ang nayon
namin kung sino ang presidente ng Pilipinas at wala ring pakialam ang presidente
ng Pilipinas sa nayon namin. Wala kaming pakialam kung magkano ang litro ng gasolina,
hindi parte ng buhay namin iyon. Hanggang ngayon, marami pa rin sa amin ang
naniniwala sa kulam. Kulam ang magandang dahilan kapag namatay ka sa sakit
dahil karamihan sa taga roon, wala namang pambili ng gamot. Hindi kami
nagrereklamo sa gobyerno. Kasi, wala rin naman kaming nakikitang gobyerno. Oo,
pwera biro, ultimong meyor sa bayan di namin nakikita noon. Pero tiyak akong si
Marcos na ang presidente noong naggreyd wan ako pero nakikita ko lang siya sa poster
sa itaas ng pisara at hindi ko alam kung bakit kailangang naroon siya,
nakangiti, nakatitig sa aming mga mag-aaral kahalintulad ng mga santo sa
kalendaryo na nakapaskil sa altar ng aming maliit ding kapilya. Ganoon lang
kami kasimple at kainosete.
Sa aming maliit na nayon noon, nakilala
ko ang isang matandang makata. Siya si Noy Tiago. Paika-ika siyang maglakad dahil
sa rayuma; tatatlo na nga lang ang kanyang ngipin, kalawangin pa. Pero popular
siya sa pagbigkas ng tula. Hindi mo masasabing maningning ang piyesta sa amin
kung wala ang pagbigkas ni Noy Tiago ng kanyang mga tula sa entablado. Kapag
bumitaw siya ng mga linya, akalain mo’y sinasapian siya ng espiritung galing sa
kung saan. Masarap sa tainga, nalulunod ako sa bulusok ng mga imahe ng kanyang mga
talinghaga na para bang abrakadabra ng isang salamangka. Titigil ang mga
nag-iinuman, titigil ang mga nagsasayawan, titigil ang sabong, kara, at baraha...
titigil ang maliit naming mundo sa Ban-aw kapag tumula si Noy Tiago. May
kapangyarihan siyang makipag-usap sa buwan, makipagtalo sa bituin, hahamunin ang
araw, paghiwa-hiwalayin ang kulay ng bahaghari, makipag-usap sa kawalan,
mangarap na gising... Obkurs, dapat lasing siya. Sa tuba yata nanggagaling ang
kanyang katikasan sa pagbigkas ng tula.
Lasenggo si
Noy Tiago. Sa mga karaniwang araw, sa tubaan at tindahang sari-sari ni Nang Mawling
siya naglalagi mula umaga hanggang dapit-hapon. Dahil fans din niya ang mga lasenggo, madalas na nakakalibre siya ng inom.
Kapag lasing na, babanat na naman siya ng mga tulang kinagigiliwan ko noon at
ng mga kumpare niyang lasenggo. Kaya madalas din akong napapalo ng nanay dahil nahuhuli
ako sa pinapabili niyang mantika at toyo. Si Noy Tiago kasi, nakakawili.
Lumaki akong may inaalagaang inggit
kay Noy Tiago. Masidhing inggit iyon, Bay. Sa totoo lang, siya ang aking childhood hero sa panitikan. Hindi ko
alam kung saan nanggaling ang kanyang talento. Wala naman siyang pinag-aralan. Marahil,
galing sa tuba. Dahil siguro sa ang salitang “alak” ay isang titik lang ang kaibahan
sa salitang “balak”. Isang titik lang din ang kaibahan sa salitang “tuba” at
“tula”. Pero huwag kang maniwala, pauso ko lang ‘yan. Basta nagtataka lang ako
kung bakit kailangan niyang uminom ng tuba bago bumigkas ng tula. Pero hindi ko
inalam pa ang dahilan. Basta sigurado ako, sa piling ng tuba, matalim ang
pilantik ng kanyang dila at salita, nakakasugat sa damdamin ang latag ng
kanyang mga talinghaga.
Sa kanya ako unang namulat sa tula.
At siyempre, sa pag-inom ng tuba. Pero aminado ako, hindi ako kasinggaling ni
Noy Tiago. Malayo ako sa kuko ng kanyang kalingkingan. Marami pang tuba akong
iinumin, marami pang dagat akong tatawirin.
Noong namatay si Noy Tiago, buong
nayon ang nagluksa. Namatay rin ang tula sa Ban-aw. Noong taon ding iyon, unang
beses kaming nagpiyesta na parang may kulang, walang kabuhay-buhay na para bang
ang mga pagkaing nakahain sa mesa ay napakatabang na hindi kayang timplahan ng
asin.
Matagal-tagal ding naghilom ang
sugat sa dibdib ng Ban-aw. Kung naghilom man, tiyak may pelat itong naiwan. Pero
sa paglipas ng panahon, naka-move-on
na rin ang Ban-aw. Unti-unti na ring nakalimutan ang ipinamalas na sining ni
Noy Tiago na para bang napasama ito sa nasusunog na dayami sa tag-araw. Paminsan-minsan,
may nakakaalala sa kanya pero mas nananaig ang pangangailangan na tugunan ang kumakalam
na sikmura kaya pinilit na lang ng mga taga roon na ihimlay siya sa limot. Kahit
sa sining pala, walang forever.
Siguro ngayon, dala-dala ko pa sa dibdib
ang sugat na iyon dahil paminsan-minsan kumakatha pa rin ako ng kuwento at tula
na si Noy Tiago ang isinasadiwa. Kung friend
tayo sa facebook, pamilyar ka sa
aking “Maoy Series.” Mga tulang pag-ibig ito na parang binigkas lang ng isang
lasing. Korni rin itong basahin kapag hindi ka lasing.
Sariwa pa sa labi ko ang unang
tagay ko ng tuba na pinatikim sa akin ni Noy Tiago. Pinaghalong pakla, pait, at
tamis ang tuba. Pero masarap. Kapag sumayad sa lalamunan, makakaramdam ka ng kakaibang
init. At pagdatal sa iyong sikmura, kukulo ito at magiging talinghaga. Kapag
iniisip ko, parang sangkap ng isang magandang kwento at tula. Nanamnamin mo ang
kanyang pinaghalong lasa.
Noong huling dalaw ko sa puntod ni
Noy Tiago— taong 2013 yata iyon— halos burado na ang sali-saliwang mga titik sa
kahoy na krus sa ulunan ng kanyang libing. Siguro, ako na lang ang may memorya
sa kanya. Merong mga mangilan-ngilang kadena de amor na namumulaklak doon na
para bang nagbibigay-pugay rin sa makata ng Ban-aw. Siguro, interpretasyon ko
na lang iyon. Nag-alay din ako ng isang patak na luha. Oo, aaminin ko, masakit
tingnan ang puntod ng isang taong naging alipin ng sining na hindi man lang nabigyan
ng desenteng libing. Mas malaki pa yata ang tsansa ni Marcos na mailibing sa Libingan
ng mga Bayani kaysa kalansay ni Noy Tiago na maihimlay kahit man lang sa marupok
na nitsong semento. Bakit kaya? Dahil siguro, hindi siya pambansa. Barya-barya
lang kasi si Noy Tiago. Barya-barya lang ang Ban-aw.
Saan ko kaya ilalagak si Noy Tiago
sa konteksto ng panitikan? Sasabihin ko bang isa siyang pambansang makata
gayong sa Ban-aw lang naman umiinog ang sining niya sa pagtula? Kahit pa
sabihin kong ang harayang isinasabuhay ko bilang kwentista at makata ay si Noy
Tiago ang unang nagpatikim ng unang tagay— ngunit sapat na ba ito para maging tumpak
at wasto ang pedestal na paglalagakan ko sa alaala niya? O sapat na kaya na sa tuwing
tag-ulan namumulaklak ang mga ligaw na kadena de amor sa kanyang libingan na
para bang pilit itinago ng mga bulaklak na iyon ang kanyang kadakilaan sa
sining? Sa mas malawak na perspektibo, nabigyan ko ba siya ng pantay na
pagtrato kapag binabasa ko ang mga panitikan sa bansang ito na nakasulat sa,
sabihin na nating “pambansang wika at Ingles” na madalas pinag-aralan sa loob
ng mga unibersidad? Dahil ba Binisayang Sinugboanon ang kanyang wika, ang kanyang
likhang sining ay hindi pwedeng sabihing panitikang pambansa? Hindi naman yata
tama!
III. Ang mga tanggero at balakero sa Sugbo
NOONG nag-aral ako sa kolehiyo sa Bogo, Cebu (siyudad na
ngayon), nakasalamuha ko ang mangilan-ngilang mandirigma sa Panitikang Sugboanon
na kasapi ng Kamagas (Kapunongan Sa Mga Magsusulat Sa Amihanang Sugbo). Isa
itong underground na samahan ng mga manunulat.
Hindi rehistrado, parang mga miyembro ng isang kulto o sindikato ang grupong
ito. Karamihan sa mga kasapi nito, kaalyansa rin ng Ludabi (Lubas Sa Dagang
Bisaya) na siyang pinakamalaking organisasyon ng mga manunulat noon. Naging support group ko ang Kamagas dahil ang
kolehiyo na pinag-aralan ko, hindi naman ganoon kasigasig ang pagtrato sa
panitikan. Ipinamulat sa akin ng Kamagas ang katuturan ng sining pampanitikan na
hindi ko narinig sa eskwelahan— ang Panitikang Sugboanon.
Unang pagdalo ko pa lang sa
kanilang sesyon sa tagayan, malalim ang naging epekto nito sa akin. Sa madilim
na mala-bodegang bahay ni Porsing Luna nagkukuta ang Kamagas. Kapag pumasok ka
rito, kailangan mong matutong maglakad sa dilim. Pinaghalong amoy kopra at amoy
langsa ang looban dahil sa mga lumang sipi ng Bisaya Magazine, Alimyon, at Bag-ong
Suga. Napakasuryal ng pakiramdam. Napakalayo sa silid-aralan ngunit andami kong
natututunan sa madilim na sulok na iyon. Parang mga multong nag-pot session ang peg namin. Dito, hindi namin pinag-uusapan sina James Joyce, Ernest
Hemingwey, T.S. Eliot, N.V.M Gonzales, Gregorio Brillantes o kaya’y si Manuel
Arguilla. Ang pinag-usapan namin dito ay ang “Mameng” ni Vicente Sotto, ang “Mga
Bungsod nga Gipangguba” ni Sulpicio Osorio”, ang “Ang Hunsoy Sungsongan Usab”
ni Marcel Navarra, ang “Dalagang Pilipinhon” ni Carlos Garcia, ang “Hikalimtan”
ni Vicente Ranudo at iba pang mangangatha ng liping Sugboanon. Sa panitikang
ito ko natuklasan ang totoong ako. Kapag binabasa ko ang mga akdang ito sa
orihinal na wika, may mga hibla ng aking kalamnan na humihigpit, lumalalim ang
aking hininga, bumibilis ang pintig ng aking puso, at nagbabanyuhay ang aking
kaluluwa. Iyon yata ang sinasabi nilang Cebuano
pride na natural sa lahat ng mga Sugboanon. Sa balintataw ng aking pagkatao,
daynamiko ang panitikang ito, gumagalaw, kumikinang, hindi istatuwang
nakipagtitigan lang sa langit. Sa panitikang ito, nasasalamin ko ang pangarap
at adhika ng isang true-blue Sugboanon.
Sabi ko sarili, iba ito, Bay! Bisayaa, uy!
Nang pinadalhan ako ni Editor Edgar
Godin ng photocopy ng kwento ni
Gremer Chan Reyes na may pamagat na “Ang Tawo Nga Nanamin Sa Adlaw Sa Tinagong
Dagat,” nawendang ako ng husto sa talas ng kanyang imahinasyon at kontrol niya
sa wikang Binisayang Sinugboanon. Narito ang isang bahagi ng kwento na makailang
beses kong binasa (at binabasa pa rin hanggang ngayon) dahil ang ispiritu ng
eksenang ito ay tagos na tagos sa aking kaluluwa:
Mipahiyom
siya. Milantaw siya sa Punta, gitan-aw ang dapdap nga karon namuway sa pulang
mga bulak nga nakapadasig ug nakapanindot sa talan-awon sa abohong langit. “Ang
pagdumot,” matod niya, “di angayng himoong bakanan diin tukoron ang damgo sa tawo.
Malaglagon ang kasilag sa kalinaw ni kinsa man nga nag-itos ug pagdumot sa
pagpanimalos. Ako nangita aron ihatag ang nawala.”
“Unsay
pangitaon ug ihatag?” Wala ko hisikopi ang kahulogan sa maanindot niyang
panultihon.
“Ang
gugma…” Giagaw sa huyuhoy ang laghaw niyang tingog. “Ang gugma nga nawala sa
kinabuhi sa tawo.”
Wala
ko makapamilok nga nagtan-aw kang Emmanuel. Nakita ko ang usa ka tawo kansang kahabog
kaindig sa panganod. Gihugtan ko pagkupot ang sepilya sa akong kamot, sa
kahadlok siya akong magakos.
“Ang
gugma,” mipadayon siya, “maoy tahom butang nga nahawani sa kinabuhi sa kaisog
sa tawo. Nawala kini sa liboan ka mga siglo sa iyang kagahapon, nawala karon sa
iyang buhilaman ug mawala sa iyang mga ugma diha sa duyan sa iyang mga damgo.
Ang tawo nalimot nga ang gugma usa ka gasa sa kinabuhi ug di mahimong puhunan
nga kini mapalit ug ikabaligya. Nganong di ta man pahimuslan nga magmabungahon
sa kalipay ang mubo tang panahon ning kalibotan. Sama nianang kahoy nga nabuhi
sa liki ibabaw sa dakong pangpang, usa ka balak sa katahoman sa kinabuhi.”
(Sanggi, 1991)
Nang mabasa ko ang mga linyang ito,
hindi ko sukat akalain na kaya palang sulatin ng ganito kaganda ang kwento
gamit ang sariling wika. Sa timyas ng prosa ni Reyes, akalain mo’y hinehele ka
ng oyayi. Ang pakiramdam ko sa kanyang kwento, umaangat ang talampakan ko sa
lupa sa mga parteng naintindihan ko siya. Ngunit mas masarap siyang basahin sa
mga parteng hindi ko siya maintindihan. Ewan ko ba.
Kung kwentong umiinog sa dagat ang
pinagkaabalahan ni Reyes, mga kwentong lansangan naman ang ipinamalas ni Temistokles
Adlawan. Hindi ko makalimutan ang kanyang “Ang Kinilaw ni Sisoy”. Kapag binabasa
mo ito, ang masasabi mo lang sa ending, “ngilngiga pagkasuwat, uy!” Damang-dama
mo rito ang sarap ng kilawin. Damang-dama mo ang “pagka Bisaya” ng mga
karakter. Narito ang ilang bahagi:
May
pagkanguhal ang sinultian ni Sisoy kay puno na sad ang iyang baba, sama sa kang
Ben, ug unya sama na sad sa kang Cesar. “Di ba nga sa atong pag-apply-apply
tungod adtong ilang gibitay-bitayng pahibawo sa mga pultahan sa pensa nga
‘Wanted: 1 Head Carpenter, 2 Assistants for Carpentry & Masonry Works, More
laborers’, di ba buot lang ta adtog di dawaton? Total, tua pa may daghang
construction sa siyudad? Unya, dagko-dagko pag suhol, may overtime pa usahay?”
Nagsugod nag tubig ang ubos sa ilong ni Sisoy tungod sa kahalang sa kinilaw.
“Maayo na man lang unta god dinhi,
di tang kagastog plete ug di magkinhangag dagkong bawon labi na sa kuwarta.
Sagdi na lag gamay rag suweldo kay sa didto sa siyudad. Anha pa tas atong bay
makatu’g kada gabii, naa ang atong asawa makaalima, unya maka— di ba, Bay Sar?”
Nagkinamot, sama ni Sisoy ug ni Cesar, sagunson, sama ni Sisoy ug ni Cesar, ang
dagko kaayong duom ni Ben sa kan-ong pinong mais usab sama sa kang Sisoy nga
linubngan sad sa ginamos-turnos apan lahi sa kang Cesar nga bisan tuog mais
sad, pero dagko-dagko man nga sardinas maoy pares. Kada humag hamong sa
linumpong gyod nga gutad sa laniw, magpuli-puli silag higop, tinagidyot, sa
sabaw sa kinilaw gikan sa gamayng planggana nga dala ni Sisoy gikan sa balay
pila ka adlaw gikan sa paghisulod nila sa trabaho, ug gibilin dinhi sa ilang
kan-anan-pahuwayanan maudto aron hunawan o hugasan, ginamit ang tubig nga
gikawos nila gikan sa gawas sahi sa gibuhat sa ubang trabahador alang sa
panginahanglan sa inom og hugas. Ang tubig nga gigamit sa trabaho may
pagkatayam man ug lubog.
Unya, samtang way hunong ang ilang
inusapay, morag wa say hunong ang ilang hiningosay ug pinugngan nga pagsikma,
sa kalami ug sa kahalang sa kinilaw bisan kini dili kaayo tanto. Ipamag-id lang
sa bukton sa ilang t-shirt kon unsa may di na gyod kapugngan nga modagayday
ubos sa ilong.
Wa pa gani sila makapanghipos sa
kinan-an, wa pa matagbawg irag-irag samtang naghanggap sa hutuhot sa kaudtohon
nga humot kaayong dagat kay gikan man sa dagat, wa pa sad masipong ang ilang
sabot kon manggawas ba kadiyot aron manginom dayon og tuba karon o unya na ba
lang hapon, nadungog na nila ang singgit ni Mister Libor didto sa kinta, bunk
house niini, gitagsa-tagsa pagtawag ang isigkangalan nila. Nahimong morag
sud-ip ang ilang pagpanug-ab sa kabasdak. (Bisaya, Disyembre 9, 1998)
Gustong-gusto kong basahin ang
dalawang kwentong ito dahil sa pakiramdam ko, nagniningas ang pagka-Sugboanon
ko sa bawat kataga nito. Nakaka-relate
ako ng husto. Ang dalawang kwentong ito ay halimbawa ng dalawang uri ng
sensibilidad ng Panitikang Sugboanon— ang klasikal at ang street-smart na literary
voice.
Siyempre, ang ganoong klaseng
panitikan ay hindi ko pwedeng dalhin sa loob ng silid-aralan noon at hindi ko
alam kung bakit. Ewan ko lang ngayon. Pero kapag binabasa o pinag-uusapan namin
ang mga ito doon sa lungga ng Kamagas, mga malalayang ibon kaming lumilipad sa
mga rehiyon na hindi ko matatagpuan sa pahina ng mga aklat na ginagamit namin
sa pag-aaral ng mga Panitikang Kanluranin.
Dahil dito,
naging masalimuot ang pag-aaral ko sa kolehiyo. Ang sabi ng isang career counselor dahil mahilig daw ako
sa sining ng panitikan, mag-e-English Major daw ako. Hindi ko ito maintindihan
hanggang ngayon. Bakit walang Panitikang Sugboanon? Wala ba kaming panitikang
sarili? Baduy ba ang mga akdang nakasulat sa aming sariling wika? May wika bang
mas higit sa isang wika?
Siguro, hindi na ganoon ang kalakaran
ngayon, baka nagbago na. Alam n’yo, gusto ko sanang maniwala. Sana. Pero ang
hirap paniwalaan. Kagaya ngayon, nagtatagalog ako gayong kumperensiya naman ito
ng Panitikang Sugboanon. Dito pa lang, bagsak na ako in substance and in form. Eh, talagang may problema tayo, dude. Nakatuntong
ang mga talampakan natin ngayon sa sariling lupa pero para tayong mga bagong
lapag na alien sa pagsasalita ng
wikang banyaga sa atin. Nakatingkayad tayo, parang takot tayong masayaran ng
putik mula sa lupang siyang duyan ng ating kaluluwa bilang mga Sugboanon. Ngunit
teka muna, di ba sabi ko ayoko ng pulitika?
Nang naging kawani ako ng Bisaya
Magazine, mas nakilala ko pa ng husto ang iba pang mahuhusay na mga manunulat sa
wikang kinagisnan— ang mga old guards
kagaya nina Ernesto Lariosa, Gumer Rafanan, George Pedralba, Marcelo Geocallo, Cesar
Kilaton, Jr., Melquiadito Allego, Urias Almagro, Ricardo Baladjay, Ricardo
Patalinjug, Temistokles Adlawan, Butch Bandillo at marami pang iba. Hindi ko nga
lubos maisip na darating pala ang panahon na magiging tagapatnugot ako sa iilan
sa kanilang mga akda. Napakalaking karangalan na maging pampanitikang editor sa
kanila. Mantakin mo, hahawakan ko ang kanilang mga manuskito kungsaan dito
isinilang ang kanilang mga obra maestra. Pero tinanggap ko iyon bilang hamon. Iilan
lang ang nabigyan ng ganoong opurtunidad.
Di naglaon, umusbong naman ang mas
batang mga manunulat na sina Adonis Durado, Noel Tuazon, Januar Yap, Myke
Obenieta at Cora Almerino. Ibang tikada naman ang estilo nila. Pinagsama-sama
na nila ang mga impluwensiya ng lumadnong karanasan at ng kaisipang akademiko. Naging
literary staple pa nga ang mga aklat-panulaan
ni Durado kagaya ng kanyang “Dili Tanang Matagak ang Mahagbong” (2008), “Minugbo
Alang Sa Mga Mugbo og Kalipay” (2009). Naging huwaran ang kanyang mga tula sa mga
kabataang manunulat na nakabase sa mga unibersidad. Naglabas din si Tuazon ng
kanyang “Tanang Namilit Sa Hangin” (2010) na kalipunan ng kanyang mga tula. Nailimbag
naman ang “Ang Aktibistang Gi-syphillis” (2005) ni Yap na, katulad ng kay
Durado, naging babasahin din ng mga kabataang nasa unibersidad. Nailimbag naman
ang kalipunan ng mga tula ni Obenieta sa aklat na “Iring-iring Sa Tingbitay Sa
Iro” (2005).
Naging salik din ang digital media sa patuloy na paglago ng Panitikang
Sugboanon. Naging kanlungan ng mga makatang bihasa at baguhan ang Kabisdak ni Myke
Obenieta at Balakista ni Romeo Nicolas Bonsocan. Dati, mayroon pang online worshop na pinamahalaan ni Adonis
Durado— ang Kulitog sa Pusod. Sa awa nang Diyos, marami-rami rin ang
“nakulitogan” doon.
Sa ngayon, laganap sa mga status sa Facebook at Twitter ang tulang Sugboanon na para bang mas
madaling kumatha ng tula kaysa magligpit ng higaan. Pero magandang senyales
iyon. Dahil sa social media, nade-democratize ang sining pampanitikan ng
mga Sugboanon.
Ang mga karanasang ito ay tinanggap
ko bilang karugtong ng mas malawak kong paglalakbay at pagkatuto sa panitikan. Kagaya
nang inisyasyon ko kay Noy Tiago, ang karanasang ito ay ihinahalintulad ko sa
tagay ng sining na nagnanais idugtong ang napakahabang tradisyon ng tagay ng
mga talinghaga ng mga makata at naratibo ng mga kwentistang Sugboanon. Dito ko lubusang
naintindihan na talagang dikit sa bituka ng mga manunulat itong literal at
piguratibong tagay. Makailang beses nila akong nilasing sa kanilang mga akda na
parang tuba sa tamis, asim, at pakla. Masarap mangarap sa piling ng mga salita.
Ito marahil ang pinakamagandang benipisyo ng mga mahihilig sa sining ng
pagkatha. Kaya siguro may mga taong naging alipin ng sining ng pagkatha lalo na
kung ang sandata mong wika ay hinahamon ng makabagong panahon gayong wala
namang napapala na pera at pagkilala. Dito ka humuhugot ng lakas. Kumbaga,
pinapatibay ang iyong sikmura ng isyung kinasasadlakan ng wikang ginagamit mo
sa pagsulat.
Dahil doon, naging inspirasyon ko ang
mga nabasa kong panitikan na naisulat sa wikang Sugboanong Binisaya. Kaya inilaan
ko ang aking kabataan sa mga bagay na may kinalaman sa panitikan. Wala akong
ideya kung nagtagumpay ako. Basta, sige lang ako nang sige. Ginagaya ko lang
ang kaparaanan ni Noy Tiago na walang hinahangad kundi ang magpakalasing sa hiwaga
ng kwento at tula. Naging romantiko ang pagtingin ko sa panitikan.
Isa pang pangyayari ang nagpatingkad
sa aking kamulatan. Dumalo ako sa pagtitipon noong isa si Nyor Ernesto Lariosa
ng mga nabigyan ng parangal bilang Pambansang Alagad ni Balagtas ng Unyon ng
mga Manunulat sa Pilipinas (UMPIL). Hinding-hindi ko malilimutan ang isang
bahagi ng kanyang talumpati noong iginawad sa kanya ang parangal. Ang sabi
niya:
“Kaming mga Sugboanon, nagsulat
bisan sa kangitngit” (Kaming mga Sugboanon nagsusulat kahit sa karimlan). Parang
may tumusok sa puso ko ng marinig iyon. Hindi ko siya masyadong naintindhan
noon. Parang propesiya ng isang santo o santilmo ang sambit ni Nyor Erning. Malabo
sa akin noon ang ipinapahiwatig ng kanyang talinghaga. May nais siyang iparating
sa mga nakikinig sa kanyang talumpati. Bakit sa karimlan kaming mga Sugboanon
nagsusulat? Sino-sino ba ang mga nasa liwanag?
Ganito ang komentaryo ng bagong
saltang makata na si Leian Jane Haney Rama hinggil sa kalagayan ng Panitikang
Sugboanon:
Nahitiurok sa kaugalingong higayon
nga unta kining paglupad magtultol sa pagpauli diha
kanimo, balaang kahoy, sa saag mong pagtagad
Ako nahimong babayeng sal-ing
Nagpalumlom. Nagpabilanggo.
Buot kong masayod ka: diin mang bantawan
ako mag-awit, hibaw-i nga ang bugtong tagubtob
sa imong dughan maoy akong saulogon
sa huni niining pagtaghoy, pagtaghoy, ug pagtaghoy—
Ug sa nagpanon nga kahilom sa akong langit
ako naghangyo, nangaliyupo sa landong mong hingpit…
--(halaw sa “Babayeng Sal-ing” ni Leian Jane Haney Rama, Bisaya, Marso 30, 2016)
Parang isang tratados sa panitikan itong tikada ni Rama. Isang pagsusumamo, isang dasal. Naiiba ito sa karaniwang patulang komentaryo ng mga sinaunang makata (kagaya ng “Liso” ni Ricardo P. Baladjay). Dinadaan ni Rama sa mahinahong paraan, sa taghoy, sa katahimikan ang kanyang pananalinghaga. Nag-aanyong ibon ang makata sa puno ng Panitikang Sugboanon. Gusto niyang lilipad pabalik at hahapon sa sanga ng panitikan kungsaan siya ay lantay at totoo. Gusto niyang ibalik ang sarili mula sa kanyang pagkaligaw. Sana ganito ang pananaw ng lahat ng kabataang Sugboanon.
Isang prosang tula naman ang komentaryo ni Kevin Lagunda. Ang sabi niya:
Gipabarog siya sa lalaking nagbahag ug nagbitbit og pana. “Salamat. Unsa ning lugara? Daghan lagig kalabera?” “Dayon higala sa dakbayan sa mga bukog.” “Ako diay ang Sirkiro sa Pagsabungan. Dili ra ko masaag diri.” “Ang pagkasaag mahitabo kon patakag laag imong hunahuna. Ako pod diay si Kulafu, ang kinaham sa gipangkapoy sa kinabuhi.”
Sa eskina, gasul-ob og trapo ang Propeta nga gadagan-dagan. Iyang mga panagna kanunayng masibya kon siya damanon. Sa umaabot, iyang gitagna mamaligya siya og kamatuoran nga selyado sa usa ka paketeng sigarilyo. Dili kini mahalin, iyang masinghagan ang mga tawong moduol niya: “Wala niy presyo, mga pesteha mo!”
Nahitiurok sa kaugalingong higayon
nga unta kining paglupad magtultol sa pagpauli diha
kanimo, balaang kahoy, sa saag mong pagtagad
Ako nahimong babayeng sal-ing
Nagpalumlom. Nagpabilanggo.
Buot kong masayod ka: diin mang bantawan
ako mag-awit, hibaw-i nga ang bugtong tagubtob
sa imong dughan maoy akong saulogon
sa huni niining pagtaghoy, pagtaghoy, ug pagtaghoy—
Ug sa nagpanon nga kahilom sa akong langit
ako naghangyo, nangaliyupo sa landong mong hingpit…
--(halaw sa “Babayeng Sal-ing” ni Leian Jane Haney Rama, Bisaya, Marso 30, 2016)
Parang isang tratados sa panitikan itong tikada ni Rama. Isang pagsusumamo, isang dasal. Naiiba ito sa karaniwang patulang komentaryo ng mga sinaunang makata (kagaya ng “Liso” ni Ricardo P. Baladjay). Dinadaan ni Rama sa mahinahong paraan, sa taghoy, sa katahimikan ang kanyang pananalinghaga. Nag-aanyong ibon ang makata sa puno ng Panitikang Sugboanon. Gusto niyang lilipad pabalik at hahapon sa sanga ng panitikan kungsaan siya ay lantay at totoo. Gusto niyang ibalik ang sarili mula sa kanyang pagkaligaw. Sana ganito ang pananaw ng lahat ng kabataang Sugboanon.
Isang prosang tula naman ang komentaryo ni Kevin Lagunda. Ang sabi niya:
Gipabarog siya sa lalaking nagbahag ug nagbitbit og pana. “Salamat. Unsa ning lugara? Daghan lagig kalabera?” “Dayon higala sa dakbayan sa mga bukog.” “Ako diay ang Sirkiro sa Pagsabungan. Dili ra ko masaag diri.” “Ang pagkasaag mahitabo kon patakag laag imong hunahuna. Ako pod diay si Kulafu, ang kinaham sa gipangkapoy sa kinabuhi.”
Sa eskina, gasul-ob og trapo ang Propeta nga gadagan-dagan. Iyang mga panagna kanunayng masibya kon siya damanon. Sa umaabot, iyang gitagna mamaligya siya og kamatuoran nga selyado sa usa ka paketeng sigarilyo. Dili kini mahalin, iyang masinghagan ang mga tawong moduol niya: “Wala niy presyo, mga pesteha mo!”
--(halaw
sa “Dakbayan sa mga Bukog” ni Kevin Lagunda)
Mikrokosmo ang lunsod sa tula ni Lagunda. Punong-puno ng bungo.
Nakakatakot ang kanyang mga imahen. Nag-uusap ang sirkiro at ang lasenggo. Isipin
mo na lang na may propetang yari sa basahan ang suot. Pinaghalong multo at
pilosopo ang mga tauhan sa tula. Sa madaling sabi, inilalahad ni Lagunda ang
kanyang desperasyon sa kontemporanyong panahon. Para sa kanya, kalansay ito. Ang
mga katotohanan ay selyado sa pakete ng sigarilyo.
Nanunuya naman si Don
Pagusara sa kanyang tula. Ang sabi niya:
saulogon nato kining potaheng
hinukad sa bagulbagol lutoanan
sa atong kaalam ug kakuwanggol
taudtaod na baya natong gilat-an
kining unod nga atong naibgan
labaw kaysa tanang karneng nailhan
kanunay natong gisabwan nga dili
mahubsan sa nagbukal-bukal nga gugma
ug way kaluyang pagbansay-bansay
atong giapongan gisugnoran
atong kaugalingon giulog-ulogan
nga sayon ra kining karneha lutoon
nahimuot tag maayo sa atong katakos
himaya na para nato ang makahigop
sa sabaw sa iyang pagka katingalahan
pero karon namikog atong apapangig
pag-inusap kay hunit pa sa goma
kining gipangga tang langyawng dila.
--(halaw
sa “potaheng dila” ni Don Pag-usara, “Qontrapuntal,” 2003)
IV. Kung paano lasapin ang tagay ng tanggerong Bisdak
KUNG bubuklatin natin ang mga pahina sa baul ng kasaysayan— ang
Panitikang Sugboanon bilang isa sa mga panitikan sa Pilipinas, hindi naman
kaiba sa ibang panitikan dahil sa ating shared
history. Kagaya ng ibang panitikan sa Pilipinas, sa mga akdang nakasulat sa
wikang ito masasalamin din ng mga mambabasa ang samu’t saring karanasan ng mga Bisdak
sa kanilang pagtugon sa hamon ng buhay. Mababasa mo ang pakikibaka ng mga
manggagawa sa piyer ng Cebu sa nobelang “Usbon Ko Ang Kalibotan” ni Ricardo
Patalinjug. Malayo ang Cebu sa panahon ng Vietnam War pero dahil sa Cebu
itinatapon ang mga sundalong Kano na galing sa pakikipagdigma, pinapakita ni
Patalinjug ang epekto nito sa damdamin ng Cebu na nasaling sa hidwaang iyon sa
pamamagitan ng nobelang “Hawid sa Gabii”. Bihasa si Patalinjug sa mga
sosyo-reyalismong naratibo. Halos ganito ang lahat ng mga akda niya mapanobela
man, mapaikling kwento, o mapatula.
Narito ang
isang parte ng nobelang “Hawid Sa Gabii” at pansinin mo kung paano niya sinipat
ang nabanggit kong yugto sa kasaysayan:
Si
Carmen mipasiplat sa talad nga nahimutangan sa Negro nga mingaw kaayog dagway.
“I hate war… God knows I hate war…”
ang Negro miingon samtang naglantaw sa layo.
“Unsa man god nang negosyohang imong
nahunahunaan, Gabs,” sukna ni Carmen. Nangayo siyag bugnawng Coke sa silbidora
nga milabay sa ilang talad.
“I hope this dirty war will end
soon,” miingon na usab ang Negro sa kusog nga tingog.
Nanghupaw si Gabriel nga nagtan-aw
sa Negro. Bisan dinhi sa Pilipinas, ang multo sa gubat sa Vietnam nagpanulay sa
mga servicemen, sa iyang hunahuna pa. Ug may uban pa gani siyang nailhan nga
naglagataw na lang tungod kay nasayod sila nga ugma tingali dili na sila
mabuhi. Ang mahinungdanon kanila mao ang karon… ang karon nga tinuod ug dili
urom…
“Yes, suh… I hate war, suh,” ang
Negro didto sa atbang nga talad nakigsulti sa gabii nga wa manumbaling kaniya.
Sa genre ng historical novel, tatlong manunulat ang unang sasagi sa isip ko:
sina Gremer Chan Reyes, Telesforo Sungkit, Jr. (sagisag-panulat: Anijun
Mudan-Udan) at Raul Acas (sagisag-panulat: Justo Virtudazo).
Kasaysayan ng Ikalawang Digmaang
Pandaigdig sa punto de bista ng isang Sugboanon ang isinulat ni Reyes sa
nobelang “Ang Ugma Walay Pag-abot.” Mapangahas si Reyes. Isipin mong pitong
bolyum iyon at umabot sa labinlimang taong isinulat ni Reyes. Ang sabi niya sa
akin, muntikan niyang sunugin ang manuskrito nito dahil sa maraming dahilan:
una, tatlong beses siyang nagkasakit at takot siyang mapagawi ito sa makakating
kamay; ikalawa, dahil na rin sa kahirapan; ikatlo, dahil sa desperasyon. Lumuwas
kasi siya sa Maynila— sa isang kampo-militar— para magsaliksik sa military records na kinakailangan niya
para maidugtong ang mga missing links
sa kasaysayan na nakalap niya. Ngunit nabigo siya dahil mga libro sa Grade Four
ang nakita niya doon. Ngunit salamat at natapos din niya ang nobela na
maituturing kong isang achievement ng
imahinasyong Sugboanon. Nailimbag iyon ng seryal sa Bisaya Magazine at masasabi
kong monyumental ang obrang iyon sa lawak ng narating nito at dahil sa
nakapaloob nitong kasaysayan na napakahalaga sa kalinangang Bisdak.
Narito ang patikim sa isang bahagi
ng Prologo ng nobela:
Walay
ngalan ang minatay. Apan nakatandog sa tanlag sa kalibotan. Dili usa ka ilo kon
patayng lawas sa usa ka wa hiilhing sundalo ang buot ilubong sa kalibotan. Dili
anak sa gugma. Ang minatay panagway sa kasilag, usa ka haya nga dili mahinol ug
makita, usa ka anino sa kahadlok, ang hukom sa kahinayak nga makamugnag
pagbasol ug pangamuyo.
Makalilisang ang katalagman sa iyang
kabangis. Di maisip ang mga tribung napuhag, dakbayang naugdaw, gingharian ug
buhilamang nagun-ob ug naagbon sa nawong sa yuta sa malaglagon niyang kapintas.
Apan kanus-a pa kayha ang tawo
makakat-on ug hilamdagan sa kahimatngon nga way maayong moabot sa panglupig,
kay unsay maagaw niya sa laing tawo mahawani ra sa iyang kamot. Ang kalaog may
iyang tugbang nga kasilag kansang tango sa pagdumot may malanag nga panganti sa
panimalos.
Kasaysayan naman ng tribung
Higaonon ang kinatha ni Sungkit sa nobelang “Mga Gapnod sa Kamad-an”. Nailathala
din ang nobelang ito sa magasing Bisaya. Mitikal at mala-mahika ang kanyang pagkasulat
nito na normal lang sa kanilang naratibo ng pangtribu. Kapag binabasa mo,
maalala mo ang mga batikang Latino sa tanyag nilang estilo sa panitikan. Masasalamin
natin dito sa akda ni Sungkit ang kaalaman ng tribung Higaonon sa larangan ng
matematika, pilosopiya, siyensiyang pangkalikasan, at ang pagtatagisan ng moderno
at makalumang pamumuhay na naging isyu ng mga sa tribu sa Pilipinas. Mahalaga
sa kanila ang sariling kasaysayan sa pamilya. Kapag binasa mo ang genealogy ng angkan ni Agyu,
matutuklasan mo kung saan nagmula ang kanilang tribu. Napakatalas ng kaalaman
ni Sungkit sa kanilang tribu na isipin mong lahat ng espiritu ng kanilang mga talabusaw ay sumapi sa kanya. Dito,
mararamdaman natin ang idinadaing ng kanilang tribu laban pananamantala ng sentro
ng kapangyarihan simula noon magpahanggang ngayon— kung paano sinasamantala ng sentrong
pamahalaan ang kaalaman ng kanilang tribu para gamitin sa komersiyo. Sumisigaw
ang nobela ni Sungkit ng pangayaw
laban sa mga mapaniil na puwersa! Na kung tutuusin, siya namang isinisigaw ng desperadong
mga Lumad sa Kamindanawan. May isa pang nobela si Sungkit na may pamagat na
“Batbat Hi Udan” na may kahalintulad ding paksa.
Sinasama ko si Sungkit sa usaping
ito na, bagamat hindi naman siya Bisaya, ngunit nagsusulat siya sa Sinugboanong
Binisaya. Pero alam ko, isang true-blue
Higaonon si Sungkit sa kanyang isip at diwa.
Kasaysayan naman ng taga Butuan ang
isinulat ni Acas sa nobelang “Handag: Lima Ka Degrees.” Umiinog ang istorya ng
nobelang ito kung paano nakarating sa Butuan ang mga Cambodian kasama ang
kanilang kayamanan. Hinahangaan ko si Acas kung paano niya ginamit ang nobela
bilang instrumento sa pagsasalaylay ng kasaysayan. Kahanga-hanga din ang
paglikom niya ng mga datos at ang kanyang husay sa pagtagni-tagni ng mga
detalye para patunayan ang kanyang pananaw.
Sa isang rebyu ng nobelang iyon, ganito ang nakasulat:
Talagsaon nga pagkahablon ang “Handag: Lima Ka Degrees”. Malamposon niyang nasinamalig pino ang tipik sa kasaysayan natong mga Bisaya lakip na ang relasyon nato sa kanhing mga magpapatigayong langyaw (kon giunsa kita pag-ilad sa mga Insek) linambiyongan sa kulturag tradisyon, mga prinsipyo sa matematikag numerolohiya, arkeyolohiya, pilosopiya, mitolohiya, siyensiya, pamalaod, okulto, pisikal ug espirituwal nga panambal, mga pagtulun-ang biblikal, supernatural elements, gugma, ubp. diha sa usa ka maanindot nga dugokan. (Edgar S. Godin, “Ang Tawo Luyo Sa Nobelang ‘Handag Lima Ka Degrees’", Bisaya, Pebrero 2, 2005)
Sa isang rebyu ng nobelang iyon, ganito ang nakasulat:
Talagsaon nga pagkahablon ang “Handag: Lima Ka Degrees”. Malamposon niyang nasinamalig pino ang tipik sa kasaysayan natong mga Bisaya lakip na ang relasyon nato sa kanhing mga magpapatigayong langyaw (kon giunsa kita pag-ilad sa mga Insek) linambiyongan sa kulturag tradisyon, mga prinsipyo sa matematikag numerolohiya, arkeyolohiya, pilosopiya, mitolohiya, siyensiya, pamalaod, okulto, pisikal ug espirituwal nga panambal, mga pagtulun-ang biblikal, supernatural elements, gugma, ubp. diha sa usa ka maanindot nga dugokan. (Edgar S. Godin, “Ang Tawo Luyo Sa Nobelang ‘Handag Lima Ka Degrees’", Bisaya, Pebrero 2, 2005)
Bakit ko inilatag ang pampanitikang
karanasan na ito? Dahil malinaw na yumayabong ang panitikang Sugboanon sa
kanyang sarili, sumubok na maglakbay patungo sa hinaharap, sumubok humakbang sa
dako ng liwanag. Habang may mga Reyes, Patalinjug, at Lariosa pang alagad ng Panitikang Sugboanon, titibok at
titibok ang puso ng sining na ito.
Sa ngayon, naging ordinaryo na sa
Cebu at Cagayan de Oro ang pagbabasa ng tula sa mga pampublikong lugar na
pinangungunahan ng kabataang manunulat at may hilig sa panitikan? Ito’y
senyales na hindi patay ang Panitikang Sugboanon. May mga bagong salta na
handang mag-alay ng kanilang talino para lalo pang pasiglahin ang sariling
panitikan.
Ito’y patunay na marunong ding
umibig ang mga Bisdak, marunong mangarap, marunong magalit, marunong umiyak. Buong
sangkatauhan naman siguro ang ganyan. At higit sa lahat, hindi kaila na “igat
mamalak, bugalbugalon, bugoy, ug bagsik” ang mga Bisdak sa kanilang mga akda.
Dito siguro masasabing naiiba ang panitikang Bisdak. Halimbawa na lang ang saga ng kwentong pag-ibig ni Mario
Cuezon sa kanyang likhang tauhan na sina Dodong at Perly, dito mo maaaninag ang
“pagka bugoy” ng isang Bisdak. Makabago ang mga karakter ni Cuezon na nabubuhay
sa makalumang tradisyon tulad ng pamamanhikan, pagpapakasal, at iba pa. Ngunit
kung kumana si Cuezon, hindi melodramatiko. Kasama na rin sa hanay ng ganitong
estilo ng panulat ang mga akda ni Dionisio Gabriel lalo na sa kwentong “Ang
Tigtupo Sa Dalan V. Rama”. Sa kanyang naratibo, makikita mo ang Cebu sa totoong
espiritu nito na walang halong pagkukunwari.
Klasikal na wikang Cebuano ang speech register ng mga adka ni Gremer
Chan Reyes, Marcel Navarra, Ernesto Lariosa, Marcelo Geocallo, at Lamberto
Ceballos. Samantalang street-smart
naman ang wikang Cebuano na ginamit ni Tem Adlawan, Januar Yap, Josua Cabrera
at iba pang mas batang manunulat at pausbong pa ngayong mga manunulat sa iba’t
ibang unibersidad.
Ngayon itatanong natin sa ating mga
sarili, saan ba ang direksiyon ng wikang Binisayang Sinugboanon bilang behikulo ng
panitikan? Ganito ang sinabi ni Dr. Resil Mojares:
“The
Cebuano poet today does not come to a language that is already there, ready to
use; he has to recreate it not only out of the rawness of daily speech but
summon out of language that which has fallen away from common consciousness and
use.” (Cebuano Poetry: Looking Backward, Forward)
Siguro, tumugon sa hamon ang bagong
henerasyon ng mga manunulat sa hamon ni Mojares. Ang ibig sabihin nito, umaayon
rin pati ang wika na ginagamit ng mga kontemporanyong manunulat sa mabilis na agos
ng nagbabagong panahon. Dito, mapapansin natin na hindi mapaghiwa-hiwalay ang
wika at panitikan. Sa wika nakaukit ang timyas at hiwaga ng tula, sa matimyas na
prosa naman nangungunyapit ang amoy at tamis ng pagsinta.
Nagbabago man ang lasa ng tuba,
tuba pa rin ito at galing pa rin ito sa mahiwagang dagta ng niyog o nipa. Sa talas
ng karit ng magtutuba, sa kalansing ng kanyang pitlagong, at pait ng kanyang awit at pawis sa umaga’t hapong akyat-pababa
sa kanyang tubaan, dito nakasalalay ang lasa ng tuba.
V. Mungkahi ng isang tanggero
HINDI kayang baguhin ng sining-pampanitikan ang ating
kasaysayan. Uusok man ang ilong ng mga manunulat, mag-aapoy man ang kanilang mga
pahina, dugo man ang kanilang tinta, produkto tayo ng mahabang panahon ng
kolonisasyon at ramdam pa rin natin ang bakteryang dulot nito. Kahit isang bansang
imbento lamang ang Pilipinas, pipilitin nating magkaroon ito ng saysay, kabuluhan
at inspirasyon. Isa itong reyalidad na dapat nating tanggapin. Hindi na natin
maaaring baguhin ang kasaysayan.
Hindi natin masisisi ang mga Sugboanong
manunulat (at iba pang pangkat sa Pilipinas) na makaramdam ng kirot sa dibdib
kapag pambansang pagkakakilanlan ang pinag-usapan lalo na sa panitikan. Madalas,
gaano man kaganda ng panitikang naisulat sa katutubong wika, babansagan pa rin
itong rehiyunal na panitikan. Siyempre, iba ang lebel ng angas kapag sinasabi
mong “rehiyonal” laban sa “pambansa.” Kaya nakatataba ng puso na may mga
ganitong pag-uusap. Kahit papaano, nabuksan ang mga pahinang pinupugaran lang
ng alikabok na tuluyan na sanang maibaon sa limot. Narito ang ilan sa mga
bagay-bagay na, para sa akin, dapat mabigyan ng konsiderasyon:
Una, sana magkaroon ng patakaran ng
pagkapantay-pantay sa lahat ng panitikan sa Pilipinas. Sa pag-apply ng mga writing grant, sana pare-pareho ang requirements. Ang alam ko, may mga ganitong hakbang naman. Pero
kulang pa rin. Ramdam pa rin ng mga manunulat sa katutubong wika na maliit sila
kumpara sa mga manunulat na nakabase sa sentro. Sa Palanca Awards na lang
halimbawa, aapat o lilima lang yata ang pumapalakpak sa mga manunulat sa
katutubong wika. Ngunit sa mga manunulat ng Ingles at Tagalog/Filipino, sasabog
ang buong bulwagan. Ang ibig sabihin, iba ang respetong ibibigay sa iyo kapag Ingles
at Filipino ang wikang ginagamit mo sa pagsusulat. Sa mga palihan naman, ang
mga Sugboanon na manunulat ay kailangan pang may salin sa Filipino o Ingles ang
kanilang akda para ito’y ganap na makasali. Hindi ba’t isa sa mahalagang elemento
ng pagsulat ay ang kontrol at kahusayan sa wika? Paano ito ngayon masusukat at
mabigyang-puna ng mga panelista at kritiko?
Ikalawa, magkaroon sana ng mas
malalimang pag-aaral sa panitikang Sugboanon. Ito’y isang hamon sa mga iskolar,
guro, mananaliksik, at kritiko. Mas makatutulong kung nakaugat sa tribu ang mga
tagapagpalaganap ng kamalayang pampanitikan. Kumbaga, subukan nating lapirutin
ang panitikang Sugboanon sa lente at lagablab ng karanasang Bisdak. Ang mga
teyoriya na mabubuo o bubuuin pa ay hango sana sa ating karanasan mismo. Wala
lang, eksayted lang ako sa ganitong posibilidad. Sa palagay ko, mas
maiintintindihan natin ang ating mga sarili kung nakaugat tayo sa lupa kungsaan dito
nagsimulang umusbong ang ating kolektibong kamalayan. Hindi ko sinasabing isantabi
natin ang kaalamang pangkritisismo na galing sa ibang sulok ng mundo. Ang ibig
ko lang sabihin, baka may mga kaalaman tayong pinagpiyestahan lang ng alikabok
dahil mas pinili nating sipatin ang ating panitikan sa mata ng mga Kanluranin.
Sa pagkahaba-haba ng ating kasaysayan sa panitikan, siguro nama’y maaari na
tayong makabuo ng kongretong pananaw kung paano natin arukin ang ating mga
sarili. Sayang naman ang mga pinaghirapan ng mga sinaunang manunulat kung hindi
sila mapag-aralan ng totoo sa kanilang pinasok na larang. Hindi masama ang
pagkatuto ng ibang kaalaman. Hindi masama ang marunong mag-Ingles. Ngunit mas
pulido siguro ang ating pag-unawa sa mundo kung magsimula tayo sa ating mga
sarili. Sa mga guro naman nakasalalay ang pagningas ng puso ng kabataan bilang
mga Sugboanon, sa kanila nakaatang ang pagkahubog ng kabataang hitik sa
imahinasyong mapaglikha.
Pangatlo, mas mabuti kung huwag nang
isali sa isyung pulitikal ang panitikan. Ang isyu sa pulitika sa wika ay dapat usapin
ng mga lingguwista at hindi ng mga manunulat ng panitikan. Ang mga manunulat,
kagaya ng ibang language user, bahagi
lang ng isang kultura ng pakikipagtalastasan. Sisikip lang ang ginagalawang
espasyo ng mga manunulat sa panitikan kung ibubuhos nila ang lakas at talino sa
pakikipagbangayan sa mga bagay na iyan. Bigyan natin sila ng magandang working space bilang mga manggagawa sa
kultura. Ako, bilang manunulat, nalulungkot ako kapag naiimbitahan sa ganitong
pagtitipon kungsaan kailangan akong magbigay ng isang political statement tungkol sa wikang ginagamit ko sa pagsusulat. Para
bang nagtatanong ka sa tandang kung bakit titilaok siya tuwing madaling-araw. Para
bang gusto mong ipa-rationalize sa pusa
ang kanyang pagngiyaw. Para sa akin, nagsusulat ako sa wikang Binisayang Sinugboanon dahil isa akong Sugboanon at may wika akong pamana ng aking lahi. Sa wikang ito,
tumatahan ang aking kaluluwa. Sa wikang ito ako natutong mahimbing sa laylay ng aking ina, sa payo ng aking
ama. Sa wikang ito ako nagkadiwa, nagkaisip, nagkamulat. Sa wikang ito nagmula
ang pananaw ko sa sarili at sa mundo. At habang ang pangarap ko’y nakaletra sa
wikang ito, patuloy ko siyang aalayan ng aking talino. Sa bawat salitang
sinusulat ko, mga taong nakakaintindi sa aking wika ang lilitaw sa isip dahil
karanasan nila ang una sa lahat. Sila ang tagapakinig ng aking kwento, sila ang
anino ng aking tula, dahil kwento at tula nila ang sinusulat at sinasalat ko. Sinusubukan
kong ako ang puso nila. Ang hindi nila kayang sabihin, sasabihin ko. Ang hindi
nila kayang isipin, iisipin ko. Ang hindi nila kayang damhin, damhin ko. Dito
ako mas may malalim na pananagutan— ako bilang representasyon ng aking ginagalawang
pamayanan. Naniniwala ako na epektibo kong maisalarawan ang karanasang
Sugboanon sa pamamagitan ng lengguwahe kungsaan ang mga karanasang ito
nakaugat. At kung may mga taga ibang planeta na interesadong maging bahagi ng
karanasang ito, halika, usap tayo at tatagayan kita— anong gusto mong tuba ang pagsaluhan
natin? Kinutil, bahalina, bag-ong dawat, lina? Mamili ka, hitik ang karanasang
Bisdak sa lasa ng buhay. Ganu’n lang kapayak ang pagkakaintindi ko sa sarili
bilang isang manunulat. Siguro, ganoon lang din kasimple ang ideyalismo ng
kapwa ko manunulat sa wikang kinagisnan.
Pang-apat, bigyan ng sapat na suporta
ng pamahalaan ang mga hakbang na nagnanais mapalago ang iba pang panitikang sa
Pilipinas hindi lang sa Binisayang Sinugboanon kundi sa iba pang panitikan. Sa
pamamagitan ng pantay na pagtrato at oportunidad, maibsan ang pakiramdam na “marginalized” ang iba pang pangkat-etniko.
Kung ano ang ibinibigay sa sentro, dapat ganoon din ang ibinibigay sa dulo. Di
ba mas maganda tingnan ang aquarium
kapag maraming isda— sari-saring isda, sari-saring ugali, kulay, paniniwala,
kredo? Sana ang aquarium na tatawagin
nating “Pilipinas” ay hindi lang puro goldfish
ang lumalangoy. Oo, totoo na ang nagsu-survive
ay yaong mga organismo na mas angkop sa mundo. Pero kailangan nating magkaroon
ng iba pang set of beliefs maliban sa
survival of the fittest. Hangga’t may
naiipit at nasasakal, patuloy ang pagsigaw ng pagkapantay-pantay— mapawika man,
mapapulitika, o kaya’y panitikan. Hangga’t isinasantabi natin ang mga salik na
ito, magiging malabo ang pagbuo ng minimithing “Panitikang Pambansa”.
Panglima, para sa mga manunulat na
Sugboanon: sulatin natin ang ating mga karanasan na higit pa sa lasa ng ating
danggit at pusit; mas nakakaakit pa sa nakabitin na puso at umuusok na barbekyu
sa Larsian; mas matinis pa sa ating mga gitara sa Mactan; mas nakakakiliti pa
ng malamyos na lapirot ng lingam; ang
ritmo ay dapat higit pa sa hiyaw at indak ng ating Sinulog; o kaya’y sa lasa ng
pintos at budbod-kabog. Subukan din nating langhapin ang mausok na tambutso sa
Colon; o kaya’y ang malangsang isda sa Pasil at Carbon. Galingan natin ang
pagsulat, Bay. Kapag magaling ka, magaling kang talaga ano mang wika ang
ginagamit mo. Ilan lang ba ang gumagamit ng wikang Yiddish? Di ba nasa 1.5
milyon lang? Bakit magaling si Isaac Bashevis Singer? May wika tayong sarili at
sapat na iyon para gamitin natin sa pagpapahayag ng ating mga kwento at tula.
Handang makinig ang mundo sa atin, kapag magaling tayo.
VI. Paglalagom: huling hirit sa tag-init
DAPAT malinaw sa atin ano ang ibig sabihin ng mga salitang
“bansa”, “pambansa”, at “pambansang panitikan.” Ano ba ang tinutukoy ng mga
salitang ito? Kung ako ang inyong tatanungin, malabo sa akin ang mga kahulogan
nito sa konteksto ng ating kasaysayan.
Kung may mabubuo mang matibay na “panitikang
pambansa”, gaya ng ninanais na makamit ng karamihan sa atin, ito’y manggagaling
sa maraming kultura sa Pilipinas. Kaya natural lang na mas mainam na pagyamanin
natin ang mga pinanggalingan nito. Ngunit, gaya nang paulit-ulit kong sinasabi,
mabubuo lang ito kung bukal sa kalooban nating tanggapin na ang Pilipinas ay
binubuo ng maraming pangkat-etniko at ito’y may kanya-kanyang pagkakakilanlan. Papairalin
muna natin ang pagkapantay-pantay na walang maliit at malaki gaano man kaliit
ang pangkat-etnikong iyong kinabibilangan. Kung ang mga manunulat na Sugboanon
ay nakaramdam ng pagkasakal sa harap ng pulitikal na diskurso sa wika, paano pa
kaya ang mga mas maliliit pang mga tribu na mas kakaunti pa sa mga Sugboanon?
At kung
mabuo man ang “pambansang panitikan” na ito, sana huwag nating kalimutan si Noy
Tiago at ang kanyang sining. Sigurado ako na may marami pang Noy Tiago sa
kanayonan. Tikman din natin ang lasa ng bahalina
nila. Mas maganda kung isama din natin sila sa diskurso. Pakinggan din natin
sila kung may susunod pang mga pagtitipon. Natitiyak ko na marami tayong
kapulutang aral mula sa kanilang talino sa pananalinghaga.
Tagay, mga Kabisdak!--
1 comment:
This way my associate Wesley Virgin's autobiography starts with this shocking and controversial VIDEO.
You see, Wesley was in the military-and soon after leaving-he unveiled hidden, "MIND CONTROL" secrets that the CIA and others used to obtain everything they want.
THESE are the same SECRETS many celebrities (notably those who "became famous out of nowhere") and elite business people used to become wealthy and famous.
You probably know that you use less than 10% of your brain.
Mostly, that's because the majority of your brainpower is UNCONSCIOUS.
Perhaps that expression has even taken place IN YOUR own brain... as it did in my good friend Wesley Virgin's brain about seven years ago, while driving a non-registered, trash bucket of a car with a suspended license and $3.20 on his banking card.
"I'm absolutely fed up with living paycheck to paycheck! When will I finally succeed?"
You took part in those questions, isn't it right?
Your own success story is waiting to be written. You just have to take a leap of faith in YOURSELF.
CLICK HERE To Find Out How To Become A MILLIONAIRE
Post a Comment